Unang Muslim
Ang kauna-unang Muslim ay ang unang taong naniwala sa Propeta ng Islam. Ang pagiging unang Muslim ay isang karangalan at kagalingan. Itinuturing ng mga Shia ay si Imam Ali (AS) bilang unang lalaking Muslim at si Khadijah naman bilang unang babaeng Muslim. Matatagpuan din ito sa ilang makasaysayang sanggunian ng mga Sunni.
Ayon sa ilang ulat na binanggit sa ilang sanggunian ng Sunni, si Abu Bakr ang ipinakilala bilang unang lalaking Muslim. Ayon sa historyador na Shia na si Rasul Jafarian, ang ganitong pahayag mula sa ilang Sunni ay nag-ugat sa mga panrelihiyong tunggalian sa pagitan ng mga Muslim na wala namang makasaysayang pinagmulan.
Kahalagahan at Katayuan
Ang unang Muslim ay tumutukoy sa unang tao na naniwala sa Propeta Muhammad (saww). Ang pagiging unang Muslim ay isang karangalan at kagalingan.[1] Ayon sa ilang mga sanggunian, itinuring mismo ng Propeta (saww) bilang isang kagalingan ang pagiging unang Muslim ni Imam Ali (AS).[2] Ilan sa mga Sahaba na nag-angking sila ang unang Muslim ay ipinagmalaki rin ito.[3]
Si Khadijah (sa) bilang Kauna-unang Babae naging Muslim
Walang pagkakaiba ang mga historyador tungkol sa katotohanang si Khadijah ang unang babaeng Muslim.[4]Ilan sa kanila ay tumukoy pa sa kanya bilang unang Muslim sa kabuuan (babae man o lalaki).[5] Itinuring ng historyador na Sunni na si Ibn al-Athir na mayroong ijma (pangkalahatang pagsang-ayon) ang mga Muslim na si Khadijah ang unang naniwala sa Propeta (s).[6]
Ayon kay Ahmad ibn Abi Ya‘qub, isang historyador noong ika-3 siglo, si Khadijah ang unang babaeng naniwala, at si Ali (AS) ang unang lalaking naniwala sa Propeta (s).[7]
Si Ali (AS) bilang Kauna-unang Lalaki naging Muslim
Ayon sa mga riwayat (narrations), inilarawan ng Propeta ng Islam si Imam Ali (AS) bilang unang Muslim, unang mananampalataya,[8]at unang taong kumilala sa kanya.[9] Nagsalaysay si Shaykh al-Tusi mula kay Imam al-Ridha (AS) na si Imam Ali (AS) ang unang naniwala sa Propeta.[10] Itinuturing ng mga Shia na mayroong ijma na si Imam Ali (AS) ang unang lalaking Muslim.[11] Mismong si Imam Ali (AS), sa kanyang mga pananalita, ay nagpatunay na siya ang nauna sa Islam at ang unang Muslim.[12]
Pinagtibay ito nina Allamah al-Majlisi[13] at Husayn ibn Hamdan al-Khasibi,[14] isang Shia na manunulat noong ika-4 na siglo. Gayundin, si Muhammad ibn Jarir al-Tabari,[15] Shams al-Din al-Dhahabi,[16] at iba pa[17] mula sa mga historyador na Sunni ay nag-ulat din na si Imam Ali (AS) ang unang Muslim.
Iba pang mga Ulat
Ilan sa mga Sunni ay naglahad na si Abu Bakr[18] o Zayd ibn Haritha[19] ang unang Muslim. Sa kanyang aklat Imta‘ al-Asma‘, tinukoy ng historyador na Sunni na si al-Maqrizi na si Abu Bakr ang unang Muslim na may kakayahan sa pagsuporta at pagtulong sa Propeta.[20] Sa al-Isaba, sinabi ni Ibn Hajar na ang unang Muslim mula sa mga bata ay si Ali (AS), mula sa mga babae ay si Khadijah, mula sa mga alipin ay si Bilal, at mula sa mga alipin na pinalaya ay si Zayd ibn Haritha, habang si Abu Bakr ang unang malayang lalaki na naging Muslim.[21] Gayunman, iniulat ni al-Tabari mula kay Muhammad ibn Sa‘d na si Abu Bakr ay pumasok sa Islam matapos ang limampung katao.[22]
Ayon kay Rasul Jafarian, ang ilang ulat na nagsasabing si Abu Bakr ang unang Muslim ay walang makasaysayang batayan at bunga lamang ng mga alitang panrelihiyon sa pagitan ng mga Muslim.[23]
Kaayusan ng mga Naniwala sa Islam
Itinala ni Ibn al-Athir (Sunni) ang pagkakasunod-sunod na: Khadijah (s), Ali (AS), Zayd ibn Haritha, at Abu Bakr.[24] Samantala, ayon kay Muhammad Baqir al-Majlisi (Shia): Ali (AS), Khadijah (s), at Ja‘far ibn Abi Talib ang unang naniwala sa Propeta (s).[25]
Sanggunian
- ↑ Morouji Tabasi, "Amir al-Mu’minin (a.s.) at ang Panginguna sa Islam," pahina 72.
- ↑ Ibn ‘Aqda al-Kufi, Fada’il Amir al-Mu’minin ‘alayhi al-salam, 1424 AH, pahina 24.
- ↑ Ibn Qutaybah, al-Ma‘arif, 1992 CE, pahina 169.
- ↑ Hosseini, "Ang Unang Mananampalataya at ang Pinakamalinaw na Pananampalataya," pahina 48.
- ↑ Baladhuri, Ansab al-Ashraf, 1417 AH, tomo 1, pahina 471; Ibn Sa‘d, al-Tabaqat al-Kubra, 1410 AH, tomo 3, pahina 15; Ibn ‘Abd al-Barr, al-Isti‘ab, 1412 AH, tomo 2, pahina 546; Ibn Khaldun, Tarikh Ibn Khaldun, 1408 AH, tomo 2, pahina 410; Salehi Dimashqi, Subul al-Huda, 1414 AH, tomo 2, pahina 300.
- ↑ Ibn Athir, al-Kamil, 1385 AH, tomo 2, pahina 57.
- ↑ Ya‘qubi, Tarikh al-Ya‘qubi, Dar Sadr, tomo 2, pahina 23.
- ↑ Ibn Shahr Ashub, Manaqib Ahl al-Bayt, 1379 AH, tomo 2, pahina 6.
- ↑ Safar, Basa’ir al-Darajat, 1404 AH, tomo 1, pahina 84.
- ↑ Sheikh Tusi, al-Amali, 1414 AH, pahina 343.
- ↑ Hosseini, "Ang Unang Mananampalataya at ang Pinakamalinaw na Pananampalataya," pahina 48.
- ↑ Majlisi, Bihar al-Anwar, 1403 AH, tomo 38, pahina 284.
- ↑ Majlisi, Bihar al-Anwar, 1403 AH, tomo 66, pahina 102.
- ↑ Khosaybi, al-Hidayah al-Kubra, 1419 AH, pahina 50.
- ↑ Tabari, Tarikh al-Umam wa al-Muluk, 1387 AH, tomo 2, pahina 310.
- ↑ Dhahabi, Tarikh al-Islam, 1409 AH, tomo 1, pahina 128.
- ↑ Ibn ‘Abd al-Barr, al-Isti‘ab, 1412 AH, tomo 3, pahina 1090.
- ↑ Tabari, Tarikh al-Umam wa al-Muluk, 1387 AH, tomo 2, pahina 315; Ibn ‘Abd al-Barr, al-Isti‘ab, 1412 AH, tomo 3, pahina 965.
- ↑ Baladhuri, Ansab al-Ashraf, 1417 AH, tomo 1, pahina 470.
- ↑ Maqrizi, Imta‘ al-Asma‘, 1420 AH, tomo 1, pahina 34.
- ↑ Ibn Hajar, al-Isabah, 1415 AH, tomo 1, pahina 84.
- ↑ Tabari, Tarikh al-Umam wa al-Muluk, 1387 AH, tomo 2, pahina 316.
- ↑ Jafarian, Politikal na Kasaysayan ng Islam: Buhay at Gawa ni Propeta Muhammad, 1380 SH, tomo 1, pahina 235.
- ↑ Ibn Athir, Asad al-Ghabah, 1409 AH, tomo 2, pahina 130–131.
- ↑ Majlisi, Bihar al-Anwar, 1403 AH, tomo 66, pahina 102.
Bibliograpiya
- Ibn Athir al-Jazari, Ali bin Muhammad, Asad al-Ghabah fi Ma‘rifat al-Sahabah, Beirut, Dar al-Fikr, 1409 AH.
- Ibn Athir al-Jazari, Ali bin Muhammad, al-Kamil fi al-Tarikh, Beirut, Dar Sadr, 1385 AH.
- Ibn Hajar al-Asqalani, Ahmad bin Ali, al-Isabah fi Tamyiz al-Sahabah, inedit nina Adel Ahmad ‘Abd al-Mawjud at Ali Muhammad Mu‘awwad, Beirut, Dar al-Kutub al-‘Ilmiyyah, unang edisyon, 1415 AH.
- Ibn Khaldun, ‘Abd al-Rahman bin Muhammad, Tarikh Ibn Khaldun, inedit ni Khalil Shahada, Beirut, Dar al-Fikr, ikalawang edisyon, 1408 AH.
- Ibn Sa‘d, Muhammad bin Sa‘d, al-Tabaqat al-Kubra, inedit ni Muhammad ‘Abd al-Qadir ‘Itta, Beirut, Dar al-Kutub al-‘Ilmiyyah, unang edisyon, 1410 AH.
- Ibn Shahr Ashub al-Mazandarani, Manaqib Ahl al-Bayt ‘alayhim al-salam, Qom, Allameh, unang edisyon, 1379 AH.
- Ibn ‘Abd al-Barr, Yusuf bin ‘Abd Allah, al-Isti‘ab fi Ma‘rifat al-Ashab, inedit ni Ali Muhammad al-Bajawi, Beirut, Dar al-Jil, unang edisyon, 1412 AH.
- Ibn Qutaybah, Abdullah bin Muslim, al-Ma‘arif, inedit ni Tharwat ‘Akasha, Cairo, al-Hay’ah al-Misriyyah al-‘Ammah li al-Kitab, ikalawang edisyon, 1992 CE.
- Ibn ‘Aqda al-Kufi, Ahmad bin Muhammad, Fada’il Amir al-Mu’minin ‘alayhi al-salam, inedit at na-correct ni ‘Abd al-Razzaq Muhammad Husayn Harz al-Din, Qom, Dalil Ma, unang edisyon, 1424 AH.
- Baladhuri, Ahmad bin Yahya, Ansab al-Ashraf, inedit nina Suhail Zakkar at Riyad Zarkali, Beirut, Dar al-Fikr, unang edisyon, 1417 AH.
- Jafarian, Rasul, Politikal na Kasaysayan ng Islam: Buhay at Gawa ni Propeta Muhammad, Qom, Entesharat Dalil, 1380 SH.
- Hosseini, Sayyid Karam Hossein, "Ang Unang Mananampalataya at ang Pinakamalinaw na Pananampalataya," Majalah Sirat, Isyu 10, Aban 1392 SH.
- Khosaybi, Husayn bin Hamdan, al-Hidayah al-Kubra, Beirut, al-Balagh, 1419 AH.
- Dhahabi, Muhammad bin Ahmad, Tarikh al-Islam, inedit ni ‘Umar ‘Abd al-Salam Tadmuri, Beirut, Dar al-Kitab al-‘Arabi, ikalawang edisyon, 1409 AH.
- Sheikh Tusi, Muhammad bin Hasan, al-Amali, Qom, Dar al-Thaqafah, unang edisyon, 1414 AH.
- Salehi Dimashqi, Muhammad ibn Yusuf, Sabul al-Huda wa al-Rashad fi Sirat Khayr al-‘Ibad, Beirut, Dar al-Kutub al-‘Ilmiyyah, Unang Edisyon, 1414 AH.
- Saffar, Muhammad ibn Hasan, Basa’ir al-Darajat fi Fadail Aal Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan), inedit ni Mohsen ibn Abbas Ali Kucheh Baghi, Qom, Maktabah ni Ayatollah al-Mar’ashi al-Najafi, Ikalawang Edisyon, 1404 AH.
- Tabari, Muhammad ibn Jarir, Tarikh al-Umam wa al-Muluk (Kasaysayan ng mga Bansa at mga Hari), inedit ni Muhammad Abu al-Fadl Ibrahim, Beirut, Dar al-Turath, Ikalawang Edisyon, 1387 AH.
- Majlisi, Muhammad Baqir, Bihar al-Anwar, Beirut, Dar Ihya’ al-Turath al-‘Arabi, Ikalawang Edisyon, 1403 AH.
- Moruji Tabasi, Muhammad Jawad, “Amir al-Mu’minin (AS) at ang Pamumuno sa Islam,” Kowsar Cultural Journal, Blg. 75, Taglagas 1387 SH.
- Maqrizi, Taqi al-Din, Imta‘ al-Asma‘ bima li-l-Nabi min al-Ahwal wa al-Amwal wa al-Hafadah wa al-Mata‘, inedit ni Muhammad Abd al-Hamid Namisi, Beirut, Dar al-Kutub al-‘Ilmiyyah, Unang Edisyon, 1420 AH.
- Ya‘qubi, Ahmad ibn Abi Ya‘qub, Tarikh al-Ya‘qubi (Kasaysayan ni Ya‘qubi), Beirut, Dar Sadir, Unang Edisyon, Walang petsa.